as far as i'm concerned, blog commenters are a blogger's treasure. and although some avid bloggers might be against inserting a tagboard in blogs, i'm glad i did it in the DENREU blog which i am currently maintaining. this post is lovingly dedicated to those who posted their comments to the DENREU Blog Tagboard. ..Salamat sa mga nag-message sa Tagboard ng DENREU Blog! Magalang, mapangahas o medyo malakas man ang dating ng inyong mga mensahe, ok lahat yan para sa amin! At dahil masarap sagutin ang inyong mga komento, gusto ko sanang sagutin kayo dito sa blog ko...19 May 08, 15:44
carlos ramirez: sana naman yun mga naibuto na board of directors ay magtrabaho para sa union hindi parang mga Panginoon turing sa sarili when dealing with ordinary members, PWEEHHH
hmmm.... nacu-curious ako sa kung sino ang pinatatamaan mong "panginoon." (
Lord, sana hindi ako yun!) Naiintindihan ko ang ganyang sentimyento. kasi tulad ng sabi saken ng isang dating professor ko, ang pinaka-karapat-dapat na kumakatawan sa isang manggagawa ay iyong tunay na nakakaintindi ng kanilang hinagpis at damdamin. (
ang lalim ano?) tingin ko ang ibig sabihin nun, kapag mataas na ang kondisyon mo sa buhay o
kapag mataas ang tingin mo sa sarili mo, hindi mo na naiintindihan ang tunay na pinagdadaanan ng mga
ordinaryong manggagawa. sana lahat kaming board na binoto nyo ay hindi naman tumaas masyado ang bilib sa sarili...
19 May 08, 15:42
carlos ramirez: nice idea na magkaroon ng ganitong site para ma voice out ng mga members hinaing nila kasi minsan nahihiya or natatakot sila magsalita kagaya ko
yun nga talaga ang punto ng blog ng denreu. maliban sa venue ito para ma-
update ang mga members sa mga nangyayari sa unyon, ito rin ay
magandang venue para mag-comment ang mga empleyado. meron at merong mga hindi matapang magsalita, pero meron din silang
mahalagang masasabi. dito, pwede nyo sabihin ang mga gusto nyong sabihin ng
walang takot. (
mananalangin na lang kami na sana hindi naman abusuhin ng iba at bastusin lang kami nang hindi nagpapakilala.) thanks sa feedback!
19 May 08, 15:04
nitz: okay ang mini-olympics kaya lang sana ibalik natin ang mga laro nuong araw na talagang pagpapawisan tayo at makakasali ang lahat ng empleyado. tulad ng patintero, relay, etc. para masaya
uy, magandang idea yan! sige, i-suggest natin na lagyan ng
pinoy games or
relay games yung mini-olympics! thanks!
19 May 08, 08:50
phil_eagle: Sana ang bagong leadership ngayon, wag tularan ang nakaraang liderato na ang pakiramdam nila sila ay mga ARTISTA, ELITISTA at NEGOSYANTE na mahirap maabot...
artista meaning
puro pa-cute lang, wala namang gawa?
elitista meaning mataas ang tingin sa sarili or
pro-management?
negosyante as in mas inaatupag ang sideline? o
nakikinabang sa pera ng unyon? hmmm... may mabibigat na paratang dyan. sana nga wala sa aming masangkot sa ganyang mga
eskandalo. in fairness sa
nakaraang board, meron naman sa kanilang maituturing na mabubuting leaders.
19 May 08, 08:48
phil_eagle: Dapat lang isara ang gate sa mga TAMAD pumasok ng maaga.Lalo ng pag Chief ka ng isang unit/division.DENR Management should not tolerate bunch of BRAT officials and employees.
indeed, DENR should not tolerate those who violate office rules -- kesyo empleyado o opisyal. kaya nga meron tayong Personnel Division na
dapat ay nagmomonitor nito.
dapat pahalagahan ng bawat public servant ang trabaho nila. but the management need not resort to
punitive and non-democratic means para mag-attend ng flag ceremony. yung mga
incentives ni secretary, yun ay isang
magandang paraan ng pag-encourage sa mga empleyado. pero ang mga
arbitrary punishments ay hindi nababagay sa isang
demokratikong bansa na tulad ng sa Pilipinas.
19 May 08, 08:45
phil_eagle: rhea, buit-in ang page nito using CMS technology.Hindi DENREU ang gumawa nito.FYI.
you probably didn't intend to belittle my efforts in maintaining the
DENREU blog, pero allow me to clarify. credits to the creator of the
blog template is shown at the footer of the blog. at syempre, blogs in general are based on
already established technologies. perhaps that was the CMS technology you were referring to. ( i never insinuated na
ako ang mismong gumawa ng
XML template or
widgets na nilagay sa denreu blog. unless the creator requires it, i don't declare credit to every widget to avoid clutter)
i 'd like to think that when rhea showed her admiration for the denreu blog, she was referring to the
overall presentation/layout and the
quality of posts. (she's an avid blogger herself so i think she understands blogging technology) and fyi, hindi misd or denr or private company ang gumawa ng blog na yun.
ako ang nag-open ng blog account, ako ang
sole contributor at ako ang
nagmmaintain nung blog, so i think i could more or less say na ako ang gumawa nung blog. (unless you wanna be technical about it)
19 May 08, 08:43
phil_eagle: Magtrabaho kayo para sa kapakanan ng mga myembro!Puro kayo dakdak! Nasan na ang para sa CNA?
marami ang interesadong malaman kung makakatanggap tayo ng
cna incentive. pinag-aaralan ng ilang board members ang
nakaraang budget para makita kung may
savings para sa cna incentive na yan. lahat po kami ay atat na ring malaman. babalitaan namin kayo asap