Salamat sa mga nag-message sa Tagboard ng DENREU Blog! Magalang, mapangahas o medyo malakas man ang dating ng inyong mga mensahe, ok lahat yan para sa amin! At dahil masarap sagutin ang inyong mga komento, gusto ko sanang sagutin kayo dito sa blog ko...
19 May 08, 15:44hmmm.... nacu-curious ako sa kung sino ang pinatatamaan mong "panginoon." (Lord, sana hindi ako yun!) Naiintindihan ko ang ganyang sentimyento. kasi tulad ng sabi saken ng isang dating professor ko, ang pinaka-karapat-dapat na kumakatawan sa isang manggagawa ay iyong tunay na nakakaintindi ng kanilang hinagpis at damdamin. (ang lalim ano?) tingin ko ang ibig sabihin nun, kapag mataas na ang kondisyon mo sa buhay o kapag mataas ang tingin mo sa sarili mo, hindi mo na naiintindihan ang tunay na pinagdadaanan ng mga ordinaryong manggagawa. sana lahat kaming board na binoto nyo ay hindi naman tumaas masyado ang bilib sa sarili...
carlos ramirez: sana naman yun mga naibuto na board of directors ay magtrabaho para sa union hindi parang mga Panginoon turing sa sarili when dealing with ordinary members, PWEEHHH
yun nga talaga ang punto ng blog ng denreu. maliban sa venue ito para ma-update ang mga members sa mga nangyayari sa unyon, ito rin ay magandang venue para mag-comment ang mga empleyado. meron at merong mga hindi matapang magsalita, pero meron din silang mahalagang masasabi. dito, pwede nyo sabihin ang mga gusto nyong sabihin ng walang takot. (mananalangin na lang kami na sana hindi naman abusuhin ng iba at bastusin lang kami nang hindi nagpapakilala.) thanks sa feedback!19 May 08, 15:42carlos ramirez: nice idea na magkaroon ng ganitong site para ma voice out ng mga members hinaing nila kasi minsan nahihiya or natatakot sila magsalita kagaya ko
uy, magandang idea yan! sige, i-suggest natin na lagyan ng pinoy games or relay games yung mini-olympics! thanks!19 May 08, 15:04nitz: okay ang mini-olympics kaya lang sana ibalik natin ang mga laro nuong araw na talagang pagpapawisan tayo at makakasali ang lahat ng empleyado. tulad ng patintero, relay, etc. para masaya
artista meaning puro pa-cute lang, wala namang gawa? elitista meaning mataas ang tingin sa sarili or pro-management? negosyante as in mas inaatupag ang sideline? o nakikinabang sa pera ng unyon? hmmm... may mabibigat na paratang dyan. sana nga wala sa aming masangkot sa ganyang mga eskandalo. in fairness sa nakaraang board, meron naman sa kanilang maituturing na mabubuting leaders.19 May 08, 08:50phil_eagle: Sana ang bagong leadership ngayon, wag tularan ang nakaraang liderato na ang pakiramdam nila sila ay mga ARTISTA, ELITISTA at NEGOSYANTE na mahirap maabot...
indeed, DENR should not tolerate those who violate office rules -- kesyo empleyado o opisyal. kaya nga meron tayong Personnel Division na dapat ay nagmomonitor nito.19 May 08, 08:48phil_eagle: Dapat lang isara ang gate sa mga TAMAD pumasok ng maaga.Lalo ng pag Chief ka ng isang unit/division.DENR Management should not tolerate bunch of BRAT officials and employees.
dapat pahalagahan ng bawat public servant ang trabaho nila. but the management need not resort to punitive and non-democratic means para mag-attend ng flag ceremony. yung mga incentives ni secretary, yun ay isang magandang paraan ng pag-encourage sa mga empleyado. pero ang mga arbitrary punishments ay hindi nababagay sa isang demokratikong bansa na tulad ng sa Pilipinas.
you probably didn't intend to belittle my efforts in maintaining the DENREU blog, pero allow me to clarify. credits to the creator of the blog template is shown at the footer of the blog. at syempre, blogs in general are based on already established technologies. perhaps that was the CMS technology you were referring to. ( i never insinuated na ako ang mismong gumawa ng XML template or widgets na nilagay sa denreu blog. unless the creator requires it, i don't declare credit to every widget to avoid clutter)19 May 08, 08:45phil_eagle: rhea, buit-in ang page nito using CMS technology.Hindi DENREU ang gumawa nito.FYI.
i 'd like to think that when rhea showed her admiration for the denreu blog, she was referring to the overall presentation/layout and the quality of posts. (she's an avid blogger herself so i think she understands blogging technology) and fyi, hindi misd or denr or private company ang gumawa ng blog na yun. ako ang nag-open ng blog account, ako ang sole contributor at ako ang nagmmaintain nung blog, so i think i could more or less say na ako ang gumawa nung blog. (unless you wanna be technical about it)
marami ang interesadong malaman kung makakatanggap tayo ng cna incentive. pinag-aaralan ng ilang board members ang nakaraang budget para makita kung may savings para sa cna incentive na yan. lahat po kami ay atat na ring malaman. babalitaan namin kayo asap19 May 08, 08:43phil_eagle: Magtrabaho kayo para sa kapakanan ng mga myembro!Puro kayo dakdak! Nasan na ang para sa CNA?
2 comments:
ano na ho bang nagyari sa health card na request ng mga empleyado. ang tagal na po noong nakaraang pamumuno yan ni ms regunay wala namang nagyayari.sana magawan naman eto ng aksyon. sa tingin ko baka wala na tayong makuhang incetive dahil ang bilis ng labas ng pera sa denr . ang daming nating nakikita na pinagkakagastusan pati flag ng kay ninoy. sana mabantayan niyo naman ng mabuti ang pera ng denr. ngayon palang dapat eh nakikipagmeeting na kayo sa mgt tungkol sa cna bakit ang mgb union ngayon pa lang ay meeting na sa union para sa cna. pati health card nila eh malapit na ring maaprubahan. kumikilos lang kayo pag malapit ng matapos ang taon. mabilis dapat ang aksyon niyo. kaya wala tayong nakukuha eh.
pati yang people's hour ang daming gastos diyan gusto lahat maka travel ang laki nga naman ng per daya sana pumunta lang yong may gagawin talaga hindi yong gusto lang makakubra. meron naman tayong empleyado sa regions bakit sangkaterbang central office employees pa ang pumupunta isispin niyo na lang yong pal tickets na bibilhin pati ang per daya. yong mga problema naman ng mga tao eh karamihan nasa region pa so dapat ang nandoon lang eh yong officials na concern hindi pati lahat usec asec pati alalay nila
Post a Comment